TAMPOK sa Wagas ngayong gabi ang kuwentong magpapakita sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig.

Gaganap si Martin del Rosario bilang si Arthur na buong pusong tatanggapin ang pagkatao ni Joyce Ching bilang si Jane.

Sa mata ng ilang kababayan ay “mangkukulam” si Jane. Pero ang totoo, namana niya mula sa kanyang lola ang kapangyarihan bilang manggagamot. Pero hindi lang siya nakagagamot ng mga karaniwang sakit kundi nakagaganti rin sa mga nakagagawa ng masama sa pamamagitan lang ng kanyang isip.

Hindi naging sagabal kay Arthur ang reputasyong ito ni Jane. Minahal niya ang dalaga ng wagas at ipinadama sa kanya ang pagtanggap na walang panghuhusga.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

 

Makatulong kaya o maging balakid ang kapangyaharihan ni Jane sa kanilang pagsasama?

 

Abangan ang kuwentong ito sa Wagas ngayong Sabado, 7 PM, sa GMA News TV