ELMO AT JANELLA_option copy

SA Lunes na ang premiere telecast ng Born For You kaya magkakaalaman na kung may ibubuga ang pinakabagong love team na sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Ang seryeng ito ang unang project ni Elmo bilang Kapamilya. Kaya excited pero at the same time ay kinakabahan siya.

“I am very happy to be with Kapamilya Network and I can say na I’m very blessed to have what I have right now. Pero at the same time kinakabahan din ako kung ano’ng ini-expect ng mga tao, pero naniniwala ako sa magandang project na ito… sa aming dalawa ni Janella,” sabi ni Elmo nang mainterbyu namin sa grand presscon ng Born For You.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

May himig ng pagmamalaki pang dugtong ni Elmo, pressured ay damang-dama niya na magiging maganda ang kahihinatnan ng serye nila.

“Binabasa ko pa lang ang script, eh, gandang-ganda na ako sa project na ito. Bukod sa may mga kilig moments kami ni Janella, eh, hindi rin dapat nila palampasin na ipinakita namin dito ‘yung konting talent namin sa larangan ng musika,” lahad ng binatilyo.

Sey pa ng actor, malapit sa puso niya ang musika kaya nang banggitin sa kanya na passionate sa music ang character niya sa serye ay minahal agad niya ang role niya.

Walang dudang napakalakas ng chemistry ng tambalang Elmo at Janella. Halos lahat kasi ng mga nanood sa special screening ng Born For You ay nagsasabing very promising ang love team nila at marami agad ang nagsasabi na magiging successful ito dahil kina Elmo at Janella.

Kuwento ni Elmo, dumaan sila sa workshops para maging palagay ang loob nila sa isa’t isa.

“Madali naman naming nakagaanan ng loob ang isa’t isa. Si Janella naman isn’t hard to approach. Pero mas nakilala ko po siya nang husto nu’ng mag-shoot na kami sa Japan,” sey ng young actor.

Hindi naging madali kay Elmo ang kilig scences nila ni Janella, medyo nahirapan silang dalawa lalung-lalo na sa mga titigang eksena nila.

“Okey, I admit din naman na minsan, eh, nahihirapan ako to do scenes with Janella, especially kapag tinginan na kasi you tend to stare at her talaga. Parang mahirap matapos ‘yung eksena nang maayos talaga,” napapailing na banggit ng guwapong actor.

Obserbasyon ng mga katoto, kita at ramdam nila ang malakas na chemistry nina Elmo at Janella at hindi malayong pantayan kung hindi man mahigitan ng tambalan nila ang mga sikat na love team ngayon. (JIMI ESCALA)