Mahamdom_ASG copy

ZAMBOANGA CITY - Bumagsak sa kamay ng awtoridad kahapon ang isang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf Group na umano’y sangkot sa serye ng kidnapping sa Basilan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Adam Mahamdom, alyas “Junior Halil.”

Naaresto si Mahamdom ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Zamboanga City, dakong 9:40 ng umaga kahapon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dinampot ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Isabela City Regional Trial Court (RTC) Branch 9 sa Basilan, dahil sa apat na magkakahiwalay na kaso ng kidnapping at serious illegal detention.

Sinabi ng pulisya na sangkot si Mahamdom sa Lamitan siege at sa kidnapping sa Tairan noong 2001.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Zamboanga City Central Police Station. (Nonoy E. Lacson)