Coco at Julia (PLEASE CROP) copy

NAPAKAMALIHIM pala talaga ni Coco Martin pagdating sa kanyang love life dahil kahit na anong kulit sa kanya ng mga katrabaho niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay wala siyang inaamin.

Super close sina Direk Malu Sevilla at Coco at minsan ay nag-usap ang dalawa ng masinsinan tungkol sa mga eksenang gagawin sa serye hanggang sa napunta ang usapan sa love life ng aktor.

“Wala, malihim si Coco pagdating sa love life, sabi ko nga, ‘si Julia (Montes) na ba?’ ‘tapos tatawa lang si Coco.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi niya, ‘eh, bata pa, Direk’. Kaya sa tingin ko, walang love life si Coco, kung meron man, hindi siya nagsasabi sa akin,” kuwento ni Direk Malu.

Nabanggit namin na base sa huling panayam kay Julia sa ikalawang yugto ng Doble Kara ay indirect nitong inamin na may mutual understanding sila ni Coco. Ang sagot kasi ng dalaga nang tanungin kung ‘sila na’ ba ng aktor, “Si Coco na lang po ang tanungin ninyo, ayokong sa akin manggaling.”

So, reading between the lines, may usapan na sina Coco at Julia. Kung hindi pa man ‘sila’ ngayon, baka in the future.

“Ah, talaga? Baka. Wala, eh, malihim itong si Rodel (tunay na pangalan ng Primetime King), baka ayaw niyang pag-usapan sa set namin kasi baka mawala concentration niya or tuksuhin siya. Ano kasi ‘yang si Coco ‘pag nagtrabaho, sobrang intense, talagang focused siya,” paglalarawan ng direktor.

Inisip namin na baka nga hinihintay ni Coco kung kailan magiging handa si Julia na pasukin ang pag-aasawa, kaya hindi muna siya nagsasalita kasi nga naman bata pa talaga ang aktres, marami’t malayo pa ang mararating. Sa ugali ni Coco, tiyak na ayaw niyang hadlangan ang karera ng dalaga.

Gayundin naman si Coco, habang malakas at kumikita pa ang mga proyekto niya ay nakatutok naman sa career, bukod sa bisyo niyang pagtatanim ng iba’t ibang gulay sa tapat ng bahay niya sa Quezon City.

Patuloy silang namamayagpag sa timeslot ng serye nila. No. 1 si Coco sa primetime at No. 1 din si Julia sa mga panghapong serye.

Pasimple-simple lang sa lovelife, pero rakenrol sa ratings game, saan ka pa! (REGGEE BONOAN)