BEIJING, China -- Pormal nang sinimulan ng International Basketball Federation (FIBA) ang pagbabago sa programa para sa qualifying round ng 2019 World Cup sa pagbuo ng Local Organizing Committee (LOC) dito.

Kabilang sa dumalo sa pagdiriwang sina Gao Zhidan, Vice Minister of China’s General Administration of Sports (CGAS), Zhang Jiandong, Vice Mayor ng Beijing, at Patrick Baumann, FIBA Secretary General, gayundin ang ilang miyembro ng International Olympic Committee (IOC).

Dumalo rin ang matataas na opisyal ng walong lungsod na magsisilbing host sa qualifying meet -- Beijing, Nanjing, Shanghai, Wuhan, Guangzhou, Shenzhen, Foshan, at Dongguan.

May kabuuang 32 koponan ang sasabak sa World Cup na gaganapin sa August 13 hanggang Setyembre 15, 2019.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang lahat ng kalahok ay kailangang magkuwalipika sa bagong FIBA competition system simula sa Nobyembre 2017.