RENTON, Washington (AP) — Binuksan ng Seattle Seahawks ang pintuan para makapag-try out si dating NBA standout at one-time college football player Nate Robinson.

Kinumpirma ng Seahawks nitong Lunes (Martes sa Manila) na kabilang si Robinson sa magta-try out para sa koponan.

Matatandaang nagpahayag ng intensiyon na maglaro ng football ang three-time NBA Slam Dunk king matapos walang koponan na kumuha sa kanya sa nakalipas na season.

Sa college, impresibo ang marka ni Robinson bilang defensive back. Ngunit, iniwan niya ang sports at nagpasyang mag basketball kung saan nakuha siyang first-round pick noong 2005.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya