MELAI KARLA AT JOLINA1 copy

WALANG duda na kinagigiliwan at pinag-uusapan ang Magandang Buhay ngayon. Barely two months sa ere, marami nang celebrity guests na napanood sa morning show. Bukod sa araw-araw na nagti-trend, bawat episode ay nagtatala ng mataas na rating.

Ilan sa pinag-usapang episode ng Magandang Buhay ang first time na pagsasama-sama sa national TV nina KC Concepcion at mga kapatid na sina Miel, Frankie at Miguel. Napanood sa nasabing episode ang other side ni KC bilang ate na iniidolo ng mga kapatid.

Sa Magandang Buhay din unang napanood sina Billy Crawford at Coleen Garcia na nag-share ng kanilang love story at mga plano nila. Dito rin nagsimula ang kinakikiligang love team na KarJo nina Karla Estrada at daddy ni Coleen na si Jose na nauwi sa isang movie date.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Mataas din ang naitalang rating ng episode nina Sen. Sonny Angara at bagong Sen. Joel Villanueva kasama ang kani-kanilang pamilya. Sa nasabing episode din nabuo ang KarWin love team nina Karla Estrada at Win Gatchalian.

First time din na nakita ng tao ang guwapong binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny, na marami ang nagsabi na potential star. Nag-top trending sa Twitter ang nasabing episode.

Kapansin-pansin ang kakaibang giliw at sigla ng momshies/hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Kita-kita na enjoy sila sa kanilang ginagawa bilang hosts ng programa.

“Nakakatuwa lang ‘yung feedback na nakukuha namin, na after their guesting, nagpapasalamat sila dahil ‘yung other side nila, eh, nakita ng tao,” sabi ni Jolina.

Next week ay papasok na ang Magandang Buhay sa second monthsary. Isang pasabog at exciting na line up of guests and topics ang inihahanda para sa viewers ng number one morning show ngayon.

No doubt na nakuha ng Magandang Buhay ang gusto ng morning viewers.