NAPAKABILIS ng mga pangyayari.

Pagkaraan ng isang linggo simula ng kumalat ang balitang natapos na ang pitong buwang relasyon nina Gigi Hadid at Zayn Malik, namataan ang dalawa na sweet na sweet nitong Biyernes sa New York City.

Nakasuot ng itim na leather jacket ang 21 taong gulang na modelo at nakasuot naman ng asul at red-tripped white Louis Vuitton sweartshirt ang 23 taong gulang na singer. Pareho silang nakasuot ng sunglasses.

Nitong Biyernes, ibinahagi ni Hadid sa Snapchat ang isang litrato ng customized Nutella jars na kalakip ang kanilang mga pangalan, at inilarawan niya itong “Kitchen goals.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Gigi and Zayn are back together,” pahayag ng source sa E! News. “They spent part of this week together and spoke about some issues they had and decided they want to work it out with each other.”

“Gigi loves Zayn so much and wanted to make things work,” sabi pa ng source.

Kahit noong panahong hiwalaay sila, hindi naman nakitaan ng anumang senyales na tuluyan na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon.

“It seems like it’s not totally over” pahayag ng isang sa People. May isa pang source na nakapagsabing ang magkasintahan ay naghiwalay “a couple of weeks ago”. 

Sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang linggo, namataan si Hadid sa Maybelline New York Beauty Bash sa Los Angeles, habang sinasayaw ang PillowTalk ni Malik –na siya ang itinampok sa official video.

Nang makapanayam ng ELLE nitong Biyernes, sinabi ni Hadid na mas gusto niyang mamalagi sa loob ng bahay kaysa lumabas.  

“Cook. Paint. Play with my dog. Hang out with my boyfriend. Watch movies,” pahayag niya sa ELLE. “Just chill.” 

Unang naging usap-usapan ang relasyon nina Hadid at Malik nang mamataan silang magkasama sa American Music Awards noong Nobyembre. (People.com)