Hiniling ni South Cotabato Governor Daisy Fuentes sa mga drug pusher sa kanyang lalawigan na sumuko na lang kaysa puntiryahin ng pulisya kaugnay ng pinaigting na kampanya ni President-elect Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Ito ang panawagan n Fuentes sa mga drug dealer sa South Cotabato bilang suporta sa anti-illegal drugs campaign ni Duterte na ipinangako ng huli na tutuldukan sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa gobernador, mas makabubuti sa mga drug pusher at trafficker na sumuko na lang sa halip na maging target ng shoot-to-kill order ni Duterte.

Aniya, umabot na sa 30 ang drug personality na sumuko sa pulisya sa nakalipas na mga linggo.

Eleksyon

Doc. Willie Ong, inendorso si Sen. Imee Marcos

Una nang nagpahayag ng pagkaalarma si Fuentes sa lumalalang drug problem sa kanyang lalawigan.

Humingi na rin ng tulong si Fuentes kay incoming Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno sa pagsugpo sa suliranin sa droga sa South Cotabato, na roon nanungkulan ang huli bilang gobernador simula 1987 hanggang 1992. (Joseph Jubelag)