Omar copy

ORLANDO (AFP) – Bayolente at may galit sa mga bading. Ganito inilarawan ng mga taong malapit sa kanya ang gunman na nasa likod ng pag-atake sa isang gay nightclub sa Florida at pumatay sa 50 katao, na 53 iba pa ang nasugatan nitong Linggo.

Ang suspek, ang 29 na taong gulang na si Omar Mateen, ay isang Muslim American na may Afghan descent, at iniimbestigahan na ng law enforcement kung may kaugnayan siya o naimpluwensiyahan ng Islamist extremism.

Ayon sa FBI, tumawag ang suspek sa 911 bago pa nangyari ang massacre, upang ituro ang grupong Islamic State na responsable sa trahedya.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Ang pag-atake nitong Linggo ang pinakakarumal-dumal na mass shooting sa modernong kasaysayan ng Amerika, ay nangyari sa Pulse gay nightclub sa Orlando,

Ngunit, ayon sa mga kamag-anak ng suspek na nakapanayam ng US media, si Mateen, na nagtatrabaho bilang security officer na may asawa at may isang anak, ay hindi relihiyoso.

Inilarawan ng mga ito si Mateen na galit sa mga bakla, may problema sa pag-iisip, at ginugulpi ang dating asawa.

Ayon sa ama ni Mateen, si Mir Seddique, nabastusan kamakailan ang kanyang anak nang makakita ito ng dalawang lalaking naghahalikan sa isang kalye sa Miami.

“We were in downtown Miami, Bayside, people were playing music,” pahayag ng ama ni Mateen sa NBC News matapos ang pamamaril. “And he saw two men kissing each other in front of his wife and kid and he got very angry.”

Kilala ang ama ng suspek sa Afghan political circles sa pagho-host ng occasional television show na roon inilabas niya ang kanyang saloobin.

Sa “Durand Jirga Show”, na mapapanood sa YouTube, kinokondena niya ang gobyerno ng Pakistan.

“We are in shock like the whole country,” dagdag ni Seddique. “This had nothing to do with religion.”

MAY PROBLEMA SA PAG-IISIP

Ayon sa dating asawa ng suspek, bayolente ito at wala sa ayos ang pag-iisip—ngunit hindi ito religious extremist.

“A few months after we were married I saw his instability, and I saw that he was bipolar and he would get mad out of nowhere,” sinabi ni Sitora Yusufiy sa mga mamamahayag nang kapanayamin sa labas ng kanyang tahanan sa Boulder, Colorado.

“After a few months he started abusing me physically ... not allowing me to speak to my family, keeping me hostage from them,” dagdag pa ni Yusufiy, na nakilala si Mateen online at nagpakasal noong 2009.

Sinabi niya na si Mateen ay “mentally unstable and mentally ill” at minsan na itong gumamit ng steroid.

Ang paggamit ng steroids ay maaaring maging sanhi ng problema sa pag-iisip, gaya ng paranoia at pag-iilusyon.

At nang maghiwalay sila noong 2011, “my family literally rescued me... they had to pull me out of his arms and find an emergency flight.”