Sarah copy

MAMI-MISS ng kanyang fans si Sarah Geronimo dahil humingi ito ng bakasyon mula sa Viva Films at sa ABS-CBN para makapagpahinga at tutukan ang health problem niya na ayaw na niyang idetalye.

Sa interview sa singer-actress na lumabas sa ABS-CBN news website, in-assure niya ang mga nababahala niyang fans na okay siya.

“Okay naman ako ngayon. Hindi naman po siya malalang sakit. Hindi na lang po ako magbibigay ng details pero inaayos naman po. Kailangan lang i-improve ‘yung health. Kailangan lang bigyan ng atensyon kung bakit nahihirapan sa ganito o sa ganyan,” sabi ni Sarah.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Simula July hanggang August ang hininging bakasyon ni Sarah sa trabaho. Magpapahinga lang siya at para mas makapagpahinga, baka sa ibang bansa siya pumunta.

Pero tiniyak niyang sa ABS-CBN pa rin siya sa kanyang pagbabalik dahil kare-renew lang niya ng kontrata sa network noong April. Sa kanyang pagbabalik, puwede na siyang gumawa ng pelikula at TV show.

Sa ngayon, hayaan muna nating makapagpahinga at magpagaling si Sarah sa kung anumang karamdaman meron siya na sabi nito, hindi naman malalang sakit. (NITZ MIRALLES)