SINO ang mag-aakala na magkaibigan pala sila?

Kahit na naging bisita si Lindsay Lohan sa kasal ni Kim Kardashian kay Kris Humphries noong 2011, marami ang nagulat na magkaibigan pa rin pala sina LiLo atKourtney Kardashian.

Gayunman, nitong Miyerkules, pinaalalahanan ng dalawa ang mga tao sa paglabas ng kanilang larawan sa social media.

 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“#theparenttrap my #twin @kourtneykardashian has arrived,” paglalarawan ni Lohan, 29, sa litrato nila ng 37 taong gulang na reality star.

Sa ibinahaging litrato sa Instagram, mas malapit sa camera ang mukha ni Lohan, habang nakangiti naman sa kanyang likod si Kardashian. Nagbahagi rin ng sariling litrato ang ina ng tatlong bata at may caption na, “London calling.”

 

Ipinakita kung gaano sila kalapit sa isa’t isa, nauwi sa panghihiram ng damit si Kourtney. Hiniram ni Kourtney ang makulay na bestida ni Lindsay at ibinahagi niya rin ito sa Instagram.

Kasalukuyang nasa London ang http://www.people.com/people/tvwatch/category/0,,20419265,00.html”>Keeping up with the Kardashians star – kung saan nakatira si Lohan ngayon– para sa Glamour Awards. (People.com)