Ginapi ng Arellano University, sa pangunguna ni Jiovani Jalalon na kumana ng 20 puntos, ang Jose Rizal University-B Heavy Bombers, 76-69, kamakailan sa semifinal round ng 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament, sa St. Placid gymnasium ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Sa women’s semis, kumubra ng 21 puntos si Ruth Tacula para sandigan ang University of the East sa 60-56 panalo kontra Far Eastern University.

Makakaharap ng Lady Warriors sa championship ang Adamson Lady Falcons, nagwagi sa University of the Philippines, 75-64, sa hiwalay na semifinal match.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagwagi ang Adamson Falcon via default sa Mapua Cardinal para makuha ang pagkakataon na harapin sa finals ang Arellano Chiefs.