US Pres. Obama at Madonna copy

SA wakas! Natupad na ang pangarap ni Madonna na personal na makita si US President Barack Obama nitong Miyerkules nang ipakilala siya sa Pangulo ng United States nang maging panauhin ito sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon.

Nang makapanayam ng US Weekly noong nakaraang taon para sa 25 Things You Don’t Know About Me,isiniwalat ng Material Girl singer na si Obama, 54, ang taong gusto niyang makita sa personal.

“The person I most want to meet is President Obama,” ani Madonna. “When the heck am I going to meet him? He just needs to invite me to the White House already. He probably thinks I’m too shocking to be there. I’m serious. If I was a little bit more demure…or if I was just married to Jay Z. Hey, if Jay would only take me as his second wife, then I’d score an invitation.”

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Ngunit hindi ito ang nangyari, hindi na kailangan pang hintayin ng “Bitch I’m Madonna” singer na imbitahan pa siya ng Palasyo—dahil tinupad ni Fallon ang kanyang pangarap na nangyari sa backstage ng kanyang show.

“For Once I ’m Speechless………..President Obama @jimmyfallon,” paglalarawan ng 57 taong gulang na musician sa litratong kanyang ibinahagi sa Instagram. Sa larawan, si Madonna, na nakasuot ng itim na shirt at black and white na kurbata, ay mukhang demure at nagulat nang makitang nakatayo sa kanyang harapan si Obama.

Sa isa pang litrato, na ibinahagi nitong gabi, nasilayan ang dalawa na magkaakbay, at parehong malaki ang ngiti.

 

“A meeting of the Leo’s. A Cosmic Convergence!! #rebelhearts @jimmyfallon,” paglalarawan sa snap.

Ang episode, na inere noong Huwebes, Hunyo 9, ay kinilala bilang “one of a kind” show ng NBC. (US Weekly)