Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

3:15 n.h. -- Arellano vs NU

5 n.h. -- La Salle vs Ateneo

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umaatikabong aksiyon ang inaasahan sa paglarga ng cross-over semifinals ngayon sa 2016 Fil-Oil Flying V Premier Cup sa San Juan Arena.

Magtutuos ang Arellano University at National University sa unang laro sa ganap na 3:15 ng hapon, bago ang salpukan nang magkaribal na La Salle at Ateneo sa 5:00 ng hapon.

Itatayo ng Chiefs, nag- iisang NCAA team na umabot ng semis ng liga, ang bandera ng liga kontra sa UAAP team na Bulldogs, habang matindi ang bakbakan sa tampok na duwelo sa double-header.

Bagamat tinambakan ng 32 puntos ng La Salle sa elimination, inaasahang gagawa ng kaukulang adjustments ang Ateneo para makabawi sa nasabing pagkatalo.

Ngunit, posibleng hindi makaupo sa bench ng Blue Eagles ang head coach na si Tab Baldwin dahil nakatakda itong umalis kasama ng Gilas Pilipinas 14- man pool patungong Europa para sa kanilang pagsasanay at paghahanda sa darating na Olympic qualifier. (Marivic Awitan)