2180947_f496

Kapag magkasama sa trabaho ang lalaki at babae, may posibilidad na magkaiba ang kanilang mga pamamaraan at istilo, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa nasabing pag-aaral, napag-alaman na nagkapareho ng paraan at istilo sa pagtatrabaho ang dalawang lalaki, at ganoon din sa dalawang babae. Ngunit nang pagsamahin ang lalaki at babae sa isang trabaho, magkaiba ang kanilang pag-atake.  

Sa loob ng mahigit 50 taong pananaliksik, ipinapakita ng mga pag-aaral na magkaiba ang paraan ng mga lalaki at babae sa pag-iisip, ayon sa isang pag-aaral na inilathala noong Hunyo 8, sa Scientific Reports journal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

“It’s not that either males or females are better at cooperating, or can’t cooperate with each other. Rather, there’s just a difference in how they’re cooperating,” pahayag ni Dr. Allan Reiss, psychiatry and behavioral sciences professor sa Stanford University School of Medicine, ang senior author ng pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, nais maintindihan ng mga imbestigador kung ano ang nangyayari sa utak kapag nagsama ang lalaki at babae upang mapagkasunduan ang kanilang pagkakaiba.  

Nagsagawa sila ng brain scan sa mahigit 111 pares ng partisipante, na inatasang makipag-ugnayan sa isa’t isa upang makumpleto ang computer task. Sa 39 na pares, ang mga partisipante ay mga lalaki; 34 na pares ay may isang babae at isang lalaki; sa 38 pares ay may dalawang babae. Wala kahit isa sa mga ito ang magkakilala bago isagawa ang eksperimento, ayon sa mga researcher.

Sa kanilang computer task, ang mga taong magkakapares ay titingin sa computer screen, at kapag nagbago ang kulay sa screen, kailangan nilang pindutin ang button. Kinakailangang sabay nilang pindutin ang button, ngunit hindi sila dapat mag-usap, at hindi nila dapat makita ang computer ng isa’t isa. Pinagkalooban ang magkakapareha ng 40 pagkakataon upang magkasabay sila sa pagpindot, ayon sa pag-aaral.

Sa bawat pagsubok, sinabihan silang pindutin ang button ng mas maaga.

Gumamit ang mga researcher ng brain-imaging technique na tinatawag na “hyperscanning” upang masukat ang abilidad ng utak ng mga kalahok habang isinasagawa ang nasabing aktibidad.

Napag-alaman ng mga researcher na, sa average, ang lalaki/laki magkapareha at ang lalaki/babaeng magkapareha ay magkakapareho sa kanilang performance, at parehong mas maayos kumpara sa babae/babae magkapareha. (LiveScience.com)