Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na 1,232 o 10.21 porsiyento ng kabuuang 12,072 private elementary at secondary school sa bansa ang magtataas ng tuition fee ngayong school year.

Sa isang pahayag na inilabas ng DepEd noong Miyerkules ng hapon, inanunsiyo nito na “schools who were approved for the tuition fee hike had undergone steps to ensure that the increase is reasonable and in accordance with DepEd guidelines which states that 70% of the increase must go to teachers’ salaries.”

Sinabi ng DepEd na ang mga paaralang ito ay pinagsumite rin ng “necessary documentation that proves consultation between the stake holders occurred.”

Ayon sa DepEd, sa mahigit 24 na milyong estudyante sa elementary at high school sa bansa, 12.2% lamang ang nakapagpatala sa mga pribadong paaralan habang ang natitirang 87.8% ay nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Internasyonal

Pope Francis, tinig ng awa, habag, at pag-asa —Pangilinan

Sa mga rehiyon na pinayagang magtaas ng tuition, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming paaralan sa 178 (mula sa 1,686 na paaralan) na may average increase na 10.56%. Sinusundan ito ng Region 11 na may 165 (mula sa 558 paaraan) na may average increase na 29.57% at Region 3 na may 151 (mula sa 1,505 paaralan) na may average increase na 10.03%.

Ang iba pang rehiyon na pinayagang magtaas ng tuition ay kinabibilangan ng CAR (34 mula sa 255 paaralan) na may average increase na 10.56%; CARAGA (apat mula sa 238 paaralan) na may average increase na 1.68%; Region 1 (120 mula sa 559 paaralan) na may average increase na 21.47%; Region 2 (41 mula sa 395 paaralan) na may average increase na 10.38%; Region 4-A (127 mula sa 2,624 paaralan) na may average increase na 4.84%; Region 4-B (120 mula sa 559 paaralan) na may average increase na 12.31%; Region 5 (91 mula sa 523 paaralan) na may average increase na 17.40%;

Region 6 (79 mula sa 1,048 paaralan) na may average increase na 7.54 %; Region 7 (74 mula sa 778 paaralan) na may average increase na 9.51%; Region 8 (21 mula sa 266 paaralan) na may average increase na 7.89%; Region 9 (18 mula sa 238 paaralan) na may average increase na 7.56%; Region 10 (53 mula sa 564 paaralan) na may average increase na 9.40%; Region 11 (168 mula sa 559 paaralan) na may average increase na 29.57%; at Region 12 (12 mula sa 458 paaralan) na may average increase na 2.62%.

Ang Negros Island Region (NIR) ay mayroong 32 paaralan na pinayagang magtaas ng tuition (at isinama sa Regions 6 at 7). Samantala, ang ARMM ang natatanging rehiyon na hindi nagtala ng anumang tuition hike mula sa 117 paaralan.

Sa nakaraang school year 2015-2016, sinabi ng DepEd na 1, 246 pribadong paaralan – mula sa 1, 556 na nag-apply — ang inaprubahan na magpatupad ng tuition at miscellaneous fees increase. (Ina Hernando Malipot)