Umabot sa 25 tauhan ng iba’t ibang towing company sa Metro Manila ang pinagbawalang magtrabaho matapos magpositibo sa isinagawang drug test kamakailan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni Victor Nunez, hepe ng MMDA Towing and Impounding, 25 mula sa 377 towing crew ang nagpositibo sa mandatory drug test na isinagawa nitong nakaraang linggo.

Ito ay matapos abisuhan ni Nunez ang mga towing company na kumikilos na ang MMDA para matukoy at masibak sa trabaho ang mga pasaway na towing crew bunsod ng mga reklamo ng mga motorista.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

“Those who tested positive for drug use cannot apply anymore from MMDA-accredited towing firms; their identification cards have also been confiscated,” ayon kay Nunez.

Bukod sa drug test, isasalang din ang 25 towing crew na nagpositibo sa droga, sa mga lecture, seminar at diagnostic exam na kailangan nilang maipasa.

Aabot 37 ang bilang ng mga towing company na mayroong 140 tow truck na may operasyon sa Metro Manila.

(Anna Liza Villas-Alavaren)