Piolo copy copy

AYON sa aming source, nagpaalam si Piolo Pascual sa kanyang home studio para magbakasyon ng anim na buwan pero tinanggihan iyon ng ABS-CBN management. 

Ang dahilan ay ang sunud-sunod na proyektong gagawin ng nananatiling top Filipino actor pero binigyan pa rin naman siya ng tatlong buwang bakasyon. 

Sey ng kausap naming ABS CBN insider, may mga importanteng aasikasuhin kasi si Piolo sa ibang bansa. 

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake

Kasabay din sana sa pagbabakasyon ni Piolo ang anak niyang si Iñigo Pascual pero dahil may commitments din ito na hindi puwedeng ipaghintay sa pagbabalik nila, mag-isang umalis ang sikat na Kapamilya aktor.

Kasalukuyang ginagawa ni Iñigo ang pelikulang Bloody Crayons kasama sina Julia Barretto, Jane Oineza, Diego Loyzaga, Bailye May, at Ylona Garcia. 

“I’m having fun kasi kasing age ko ‘yung mga kasama ko sa movie, sobrang saya, kasama si Julia Barretto. The whole project is just going really well right now so I’m just so excited for it,” sey ni Iñigo.

Horror movie ang nasabing pelikula kaya super excited ang young actor.

“This is actually one of my dreams. Every time I get interviewed, sinasabi kong gusto kong makagawa ng isang horror movie. So ito ngayon, patayan siya, so intense na movie na puro takbuhan at takutan,” banggit pa ni Iñigo. 

Pinagkakaabalahan din ngayon ni Iñigo ang career niya sa larangan ng musika. Bumubuo siya ng isang album. 

“I am super excited about with my first album and I guess in this way, I can show myself, kaya nga excited talaga ako,” banggit pa ni Iñigo Pascual. (Jimi Escala)