Hinimok kahapon ng Department of Health (DoH) ang mga magulang at mga guardian, gayundin ang pamunuan ng mga school canteen, na pabaunan ang mga bata ng masusustansiyang pagkain sa pagbabalik-eskuwela sa susunod na linggo.

Ayon kay Health Spokesperson Lyndon Lee Suy, dapat na tiyaking bukod sa masarap at masustansiya rin ang babaunin ng mga mag-aaral sa eskuwelahan.

“They must be provided with healthy and nutritious food so that they will not be tempted to buy from stores outside their schools,” sabi ni Lee Suy.

Nagpaalala rin ang opisyal sa pamunuan ng mga school cafeteria na siguruhing masusustansiya ang mga pagkaing ibinebenta nila, gaya ng gulay at prutas.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“If the children already get their fill from their ‘baons’ or from the canteen, there is no more reason for them to buy in stores outside the school, such as junk food, which does not offer any nutrition,” ani Lee Suy.

Magbabalik-eskuwela sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa Lunes, Hunyo 13. - Charina Clarisse L. Echaluce