Tatanggalin sa puwesto ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong kandidato sakaling mapatunayang gumastos nang sobra sa itinatakda ng batas.
“Kapag nag-overspending kayo kahit nakaupo na, puwede pang ipatanggal ‘yan ng Comelec,” ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
Bukod sa pagkakatanggal sa puwesto, pagmumultahin din ang mga overspending candidates ng mula P10,000-P30,000 para sa unang paglabag, at P20,000-P60,000 sa ikalawang paglabag, depende sa tinakbuhan nitong posisyon.
Matatandaang natanggal sa puwesto si dating Laguna Gov. Emilio ‘ER’ Ejercito dahil sa overspending. - Mary Ann Santiago