NOONG nakaraang taon, naitampok sa mga balita ang mag-asawang Johnny Depp at Amber Heard matapos nilang “i-smuggle” ang mga aso nilang sina Pistol at Boo papasok sa Australia nang walang kaukulang dokumento.

Dahil dito, napilitan ang mag-asawa na maglabas ng isang apology video sa awtoridad ng Australia sa unang bahagi ng taong ito, at nag-plead si Amber ng guilty sa pagsu-supply ng mga pekeng dokumento at sinabi sa korte ng abogado niyang si Jeremy Kirk na ang mga travel document ng dalawang aso “slipped through the cracks” makaraang mabigo ang tauhan ni Johnny na agad na maisaayos ang mga papeles.

Ngayon, nadadawit na naman sa panibagong kontrobersiya ng maghihiwalay nang mag-asawa ang dalawang aso, dahil naglalaban ngayon sina Johnny at Amber para sa kostudiya ng kanilang mga alaga matapos na akusahan ni Amber ang asawa ng pananakit sa kanya.

Ayon sa mga ulat, determinado si Amber na makuha ang kostudiya kay Pistol, na iniregalo sa kanya ng dating kasintahang si Tasya van Ree, pero iginigiit ni Johnny na makuha ang kostudiya sa dalawang aso.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Paliwanag ng source sa The Mirror: “Johnny adores both dogs. He wants them to be happy and finds it unbelievable she is suggesting dividing them. Money means nothing when it comes to those animals.

“They’re effectively treated as their kids. For Johnny, this is war. He’ll stop at nothing to have Pistol and Boo with him.”

Noong nakaraang linggo ay ginawaran si Amber ng restraining order laban kay Johnny na inakusahan niya ng pang-aabuso, bagamat agad at mariin itong itinanggi ng bida ng Pirates of the Caribbean. (Yahoo News)