Asahan na ng mga motorista ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Sa taya ng oil industry sources, posibleng magtaas ng 20-25 sentimos sa kada litro ng diesel, habang kaparehong presyo ang tinapyas sa gasolina.

Ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Mayo 31 nagtaas ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ng 55 sentimos sa kerosene, 40 sentimos sa diesel, at 35 sentimos sa gasolina. - Bella Gamotea

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary