Xian copy

KASISIMULA pa lang sa showbiz ay pinangarap na ni Xian Lim na magkaroon ng sariling concert. Wala pa man kasi sa showbiz ay musically inclined na siya, kaya marunong siyang tumugtog ng piano at gitara at siyempre, kumanta. 

Sa July 9, matutupad na ang pangarap niya sa A Date With Xian Lim concert na magagapan sa Kia Theater

Kahit sobra ang kaba, excited si Xian habang papalapit ang nasabing concert. Pero ipinagmamalaki niya ang ginagawa nilang paghahanda. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Ito ‘yung first time ko, hawak ko ‘yung buong show at first ever na ako ang hahawak ng buong production. Andu’n nga ang kaba dahil nabigyan tayo ng opportunity na ganito and at the same time, eh, ito talaga ang pinapangarap ko, matagal na,” nakangiting pahayag ni Xian. 

Wish na niya noon pa na mabigyan siya ng chance na maipakita ang kakayahan din bilang stage performer.

“Iba kasi talaga ang pakiramdam na pupunta talaga du’n ‘yung mga tao to support you, mabigyan mo sila ng isang magandang performance, maski sayaw pa ‘yan, talagang sasayaw ako du’n sa concert na yun,” pagmamalaki ng Star Magic talent. 

Marami ang inihandang mga awitin si Xian para sa fans niya. Gagawin daw niya ang lahat para mapasaya ang mga manonood ng concert niya.

“Medyo may pagka-ballad ‘yung theme. Actually nandu’n pa kami sa pagpa-finalize ng songs. Guaranted na I will be giving my best and supportive naman po riyan ang Star Records and Star Events,” lahad pa ni Xian Lim. Susuportahan si Xian ng kanyang ka-love team na si Kim Chiu. Kahit sobrang busy si Kim at hindi pa nagbibigay ng assurance na pupunta ay hindi raw nito kayang isnabin ang first ever concert ng ka-love team. 

“Sa totoo lang, hanggang ngayon, eh, kinukulit ko pa rin siya despite her busy schedule. But for sure, andu’n naman yata siya,” sey ni Xian. 

Pero hindi lang naman ang pagdalo ni Kim ang aabangan ng fans niya, tutugtog rin kasi si Xian sa grand piano at makakasama pa niya sa concert niya ang ABS CBN Philharmonic Orchestra. (JIMI ESCALA)