Isang ama at anak niyang lalaki, na umano’y magkasabwat sa pagbebenta ng ilegal na droga, at isa pang lalaki, ang naaresto sa isang operasyon sa Pasig City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Danilo Paculan, 60; at anak niyang Jhon-Jhon, 32, kapwa taga-Barangay Manggahan, Pasig City.

Naaresto rin kasama ng mag-ama si Bryan Tuazon, 38, ng Vicper Compound, Bgy. Malinao, Pasig City.

Ayon kay Senior Supt. Jose Hidalgo, Jr., hepe ng Pasig City Police, nahuli sa akto ang mag-amang Paculan, na kilala sa kanilang lugar sa tandem na pagbebenta ng ilegal na droga, sa Lanzones Street, Napico, Bgy. Manggahan, dakong 11:00 ng gabi.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Narekober ng awtoridad ang hindi pa tukoy na gramo ng shabu na nasa ilang heat-sealed sachet.

Samantala, naaresto naman si Tuazon matapos maaktuhan din sa pagbebenta ng shabu sa isang kostumer sa Meralco Avenue, pasado 11:00 ng gabi. (Betheena Kae Unite)