Krystal (PLEASE CROP) copy copy

BAGAMAT wala pang napipiling actress na gaganap bilang Darna sa Pinoy superhero movie na ididirek ni Erik Matti, maingay naman ang balita na ang talented child actress na si Krystal Brimner ang gaganap bilang young Darna.

Si Krystal ay unang napanood na kasama ni John Lloyd Cruz sa critically acclaimed na Honor Thy Father at ngayon naman ay nakatuon ang kanyang panahon sa paghahanda para sa kanyang stage debut bilang lead role sa Annie, The Musical na itatanghal sa bansa sa darating na Setyembre.

Sa panayam kay Krystal ng Push News, inamin niya na pinangakuan siya ng role sa Darna.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

“They say that I was going to be like little Darna and I am still hoping that I will get it. It is not yet sure, but I’m hoping that I get it because the one who told me that I might get the role was also from Honor Thy Father (production team),” pahayag ni Krystal.

Sinabi rin ni Krystal na fan siya ng Darna series kaya’t ang pagkakataong makaganap bilang young Darna ay magiging katuparan ng dream niya.

Pahayag pa ni Krystal, mas matindi ang paghahanda para sa isang stage musical play kaysa sa paggawa ng pelikula o serye.

“In theater, it’s harder because they gave us the booklet which is the whole script and it’s huge! It’s bigger than the movie script and I’m like, ‘Oh my gosh do I have to practice all of these lines?’ It’s just so many,” sey niya.