PATULOY pa rin sa pagpapapayat si Kim Kardashian, at kitang-kita sa kanyang mukha ang kasiyahan sa nagiging resulta ng kanyang pagbabawas ng timbang.

Sa pamamagitan ng Snapchat, ibinahagi ng 35 taong gulang na reality star nitong Huwebes ang update sa hubog ng kanyang katawan, anim na buwan matapos isilang ang anak nila ng kanyang asawa na si Kanye West na si Saint.

Sa mga video, mapapanood na nasa fitting room si Kim habang sinusukatan ng stylist. Nang susukatin na ang kanyang beywang, nagtanong si Kim ng, “What am I?”

Hindi napigilan ng brunette beauty na mapasigaw nang sabihin sa kanya na lumiit na sa 26 ang kanyang beywang. Hindi siya masisisi sa paggamit ng celebratory emojis sa pagpapakita ng kasiyahan at kasabikan. (ET Online)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter