McCoy at Maris copy copy

PINAG-UUSAPAN sa loob at labas ng studio ng It’s Showtime ang namumuong relasyon between McCoy de Leon at Maris Racal.

Member si McCoy ng popular na #Hashtags, ang all-male dance group ng It’s Showtime. Si Maris Racal ay dating PBB Teen housemate na kasali ngayon sa GirlTrendz, na sikat na rin at tinitilian sa avid viewers ng Kapamilya noontime show.

Hindi nakapagtatakang mapag-uusapan ang dalawa dahil palagi silang nakikitang magkasama, magkausap at kung minsan ay naghaharutan sa rehearsals.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Sabi pa ni McCoy, sakaling matuloy ang concert ng #Hashtags ngayong taon, nais niyang makasama ang pinaka-close na babae sa buhay niya sa ngayon.

“Walang halong showbiz po talaga ito kasi masarap kasama po talaga si Maris ‘pagka mga kulitan, hindi ka mabo-bore. Tawag ko nga sa kanya, ‘buang’, eh, kasi baliw talaga ‘pag nakasama mo siya.”

Bukod sa It’s Showtime, mag-love team rin sa We Will Survive sina McCoy at Maris.

Malamang na sa taping ng WWS nagkamabutihan ang dalawa.

“Sobrang enjoy lang po namin ‘yung bawat time na magkasama po kami. Sobrang close lang talaga namin, gano’n talaga.

Kasi kapag minsan, kapag katrabaho mo… ‘pagka off cam parang wala lang sa amin,” sey ng poging #Hashtags member.

Kasama rin sa We Will Survive ang isa pang #Hashtags na si Jon Lucas na nagpapatunay na may “something” na nga sa dalawa.

“Napapansin ko nga po off-cam, parang sobrang kumportable na sila sa isa’t isa. Nagbibiruan sila, nagkikilitian sila, (snap) sa Snapchat,” phayag ni Jon..

Buwelta naman ni McCoy sa tsismis na baka sila na nga ni Maris at ayaw lang nilang umamin?

“Ilang months pa lang kaming magkakilala. Nandoon pa lang kami sa stage na getting to know each other. Hayun po, hindi po natin masabi kung anong puwedeng mangyari,” pagtatapos ni McCoy. (Ador Saluta)