NATUTUWA ang 80s pop icon na si Boy George pati ang banda niyang Culture Club dahil sa reaksiyon ng kanilang fans sa Pilipinas sa nalalapit nilang concert dito. 

Kahit hindi matutuloy ang dapat sana’y two-night concert nila dahil sa announcement na ito’y magiging ‘one night only’, looking forward pa rin sila sa pagbisita sa Manila.

“Due to logistical travel issues beyond their control” ang dahilan kung bakit sa June 18, Sabado, na lang gaganapin sa Araneta Coliseum ang kanilang first ever Manila concert. Maaaring magpalipat o mag-refund sa Araneta Coliseum box office ang mga nakabili na ng tickets para sana sa June 17 show.

Nangako si Boy George na magmimistulang malaking dance party ang kanilang show. Siyempre pa, kakantahin nila ang kanilang hits tulad ng Karma Chameleon, War Is Stupid, Do You Really Want To Hurt Me, Miss Me Blind, Move Away, Love is Love at marami pang iba.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inihayag din na magkakaron ng ‘meet and greet’ para sa ticket buyers ng special VIP (SVIP) tickets na may halagang P25,000. Bukod sa makakapanood na sila ng concert ay may privilege sila magkaroon ng picture with Boy George and Culture Club. Makakakuha din sila ng double disc Culture Club greatest hits album at isang commemorarive concert T-Shirt. Ang ‘meet and greet’ ay gaganapin sa June 16, 3pm sa Novotel Manila Araneta Center.