Maiuwi ang ikaapat na sunod na panalo ang hangad ng Unicorns kontra Ateneo De Manila U upang ipormalisa ang pag-usad sa quarterfinals, 2016 PSC Commissioner’s Baseball Cup, sa Rizal Memorial Baseball Field.

Agad magsasagupa sa unang laro ganap na 7:00 ng umaga ang binubuo ng mga dating manlalaro ng magkaribal na De La Salle U at Ateneo Blue Eagles na Unicorns at ang pumangalawa sa nakalipas na UAAP season na Ateneo De Manila.

Agad itong susundan ng sagupaan sa pagitan ng University of Santo Tomas-Golden Sox na hangad makaagaw ng silya patungo sa walong koponang quarterfinals sa pagsagupa sa Bulacan State University (BULSU). Napaulat na umatras na ang BULSU subalit hindi ito makumpirma ng tournament organizer at official Randy Dizer.

Huling magsasagupa ang University of the Philippines (UP) na umaasa rin na makakaagaw ng silya sa grupo nito na Pool C kontra sa La Salle Antipolo – Alumni. (Angie Oredo)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA