SA pagbabalik ni Tin (Kim Chiu) sa Palawan na pinagsimulan ng lahat, maibalik din kaya ang pag-ibig nila ni Macoy (Xian Lim) sa kanilang muling pagtatagpo?

Ito ang sasagutin sa nalalapit na pagtatapos ng The Story of Us at sa pagbabalik ng magkababata at dating magkasintahan sa El Nido.

Matapos siyang palayain ni CJ (Bryan Santos), handa na si Tin na buuin ang kanyang sarili at babalik ng Pilipinas para pagbigyan ang hiling ni Carmi (Aiko Melendez) na maging maging bride’s maid sa kasal nito. At kahit na hindi buo ang loob na umuwi, makakasama niya sa kanyang pagbabalik si Myra (Zsa Zsa Padilla) at Caitlyn (Kira Ballinger).

Bagong simula naman ang haharapin ni Macoy sa kanyang pagpupursige na makuha ang loob ng mga taga-El Nido para sa isang proyekto. Mas lumalalim din ang pagkakaibigan niya kay Lucia (Shaina Magdayao), ngunit nananatiling malaking katanungan kung handa na ba siyang buksan ang kanyang puso para sa isang panibagong pag-ibig.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa huling dalawang linggo, mapapanood sa The Story of Us kung magagawa pa bang mahalin nina Tin at Macoy ang isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagbabago at pagsubok na kanilang pinagdaanan sa Amerika.

Tumanggap ng mga papuri ang The Story of Us dahil sa matapang na paglalahad ng mga isyu at karanasan ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa. Napanood ang buhay ng mga TNT (tago nang tago) sa Amerika, nang buong tapang na isakripisyo ni Macoy ang lahat para lang makapiling si Tin.

Inilahad din sa mga manonood ang realidad ng paghahanapbuhay sa ibang bansa kaakibat ang pagsasakripisyo at pagtitiyaga.

Marami ang humanga kina Kim at Xian na nakipagsabayan sa aktingan. Huwag palampasin ang huling 12 gabi ng The Story of Us pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa http://iwantv.com.ph/”>iwantv.com.ph o http://skyondemand.com.ph/”>skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.