Josh, Bimby at Kris (PLEASE CROP) copy

SA California nagtungo ang mag-iinang Kris Aquino, Josh at Bimby pagkagaling ng Hawaii para ituloy ang kanilang bakasyon grande. Sumunod sa kanila ang ate ni Kris na si Ms. Viel Aquino-Dee kasama ang anak para sa summer school.

Ito ang post ng Queen of All Media sa kanyang Instagram account noong Miyerkules ng hapon, “My sister Viel & my niece Jia are arriving tonight. My niece is super smart, she’s taking a summer course here (Nag-Philippine Science then now in UP).”

May litrato rin na kuha ni Kris na nagluto siya ng baked spaghetti para sa dinner nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kahapon, muling nag-post si Kris habang nasa Boiling Crab Restaurant na dinudumog ng mga Pinoy lalo na ang mga bagong dating dahil bukod sa mura ay talagang masarap at ang dami pa ng servings.

Kailangan mong magkamay sa Boiling Crab at curious kami kung marunong magkamay ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby.

Selebrasyon ang pagkain nila sa labas sa kaarawan ni Josh (ngayong araw ang eksaktong petsa, Hunyo 4 na nauna lang tayo ng isang araw), kaya ang caption ni Kris, “Advanced Happy Birthday, Kuya Josh. We’re eating dinner early to make sure we got a table. W/ Ninang Viel, Jia & our friend @iamgarygarcia, this was his choice -- 1 of his all time favorite restaurants. #June41995.”

Samantala, may ilang haters si Kris na nagsabing kapag umalis siya ay hindi na siya mami-miss at may nagsabi pang huwag na raw siyang bumalik ng Pilipinas at manahimik na lang siya sa ibang bansa.

Pero mali ang haters ng Queen of All Media dahil maraming posts kaming nababasa na, “we miss you Krissy, bumalik ka na!” Bukod pa sa nagsabing sana’y hindi magtagal ang pagkawala niya.

Nami-miss na rin ng avid viewers niya si Kris na muli siyang mapanood sa telebisyon at ang malakas niyang tawa na anila’y nagpapasaya sa araw nila.

Nakakatawa ang ibang tao, nu’ng nandito si Kris, kung anu-ano ang sinasabi at kesyo hindi na siya kailangan sa showbiz. Hmmm, aminin natin, nakaka-miss talaga ang pagiging taklesa at luka-luka niya.

Samantala, napadaan kami sa Nacho Bimby business ni Kris noong Huwebes ng gabi sa Greenhills Promenade nakita ang mahabang pila ng mga taong bumibili at ang sarap tumambay sa puwesto nila dahil sosyal at puwedeng mag-people watch.

Bukod sa Promenade, magbubukas na rin ang isa pang branch ng Nacho Bimby sa SM North Edsa, ayon na rin sa isa pang post ni Kris: “Fingers crossed opening in@smsupermalls SM NORTH EDSA THE BLOCK on June 7, 2016 (Martes). Thank you sa tutok@chadominic & @nix722.”

Kasosyo ni Kris si Dom Hernandez sa iba pa niyang food business tulad ng Chowking at Jolibee (soon) samantalang si Shaina Magdayao ay kasama rin ng Queen of All Media sa Promenade at sa SM The Block. (REGGEE BONOAN)