John Lloyd copy

PAGKATAPOS parangalan sa nakaraang Cannes filmfest si Jaclyn Jose bilang pinakamagaling na aktres, ngayon naman ay si John Lloyd Cruz ang kauna-unahang Pinoy Star Asia awardee.

Walang pagsidlan sa tuwa ang Kapamilya actor nang iparating sa kanya ang good news sa kanyang bagong international recognition.

Napansin ang kahusayan ni John Lloyd sa pelikulang Honor Thy Father, directed by Erik Matti at isa na naman itong karangalan sa ating bansa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa aming source, pinaghahandaan na raw ng aktor  biyahe papuntang US para tanggapin ang nasabing Star Asia award sa 2016 New York Asian Film Festival na gaganapin sa United States simula June 22 hanggang July 5.

Si John Lloyd ang first Filipino and Southeast Asian actor na gagawaran ng natatanging award. Bukod sa kanya, two other Asians are to be honored in the film festival – sina Lee Byung-hun of South Korea and Miriam Yeung ng Hong Kong na tatanggap din ng parehong award.

Bukod kay John Lloyd, ang baguhan at indie film actress na si Therese Malvar ay pagkakalooban din ng Screen International Rising Star Asia award sa nasabing film festival para sa pelikulang Hamog. (ADOR SALUTA)