CARACAS (Reuters) - Nagpakawala ng teargas ang Venezuelan security forces sa mga nagpoprotesta at sumisigaw ng “We want food!”malapit sa presidential palace sa siyudad na ito, nitong Huwebes.

Daan-daang Venezuelan na nagmartsa patungo sa Miraflores Palace sa Caracas ang sinalubong ng National Guard troops at mga pulis na humarang sa pangunahing kalsada.

“I’ve been here since eight in the morning. There’s no more food in the shops and supermarkets,” pahayag ng isang matanda sa pro-opposition broadcaster na Vivoplay. “We’re hungry and tired.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'