Robin copy copy

ANO kaya ang mood ni Robin Padilla nang i-post sa Instagram ang “Kapag napatunayan na totoo ang sinabi ng Inquirer at ng GMA news patungkol sa akin hihilingin ko kay Mayor Duterte na ako ang unang bitayin niya sa kanyang pag-upo bilang Pangulo.”

Ipinost din ni Robin ang headline ng Inquirer na, “P1.1B worth of liquid shabu seized in Pampanga raid” dahil nabanggit na siya ang dating may-ari ng bahay, pero naibenta sa isang abogado at ‘yun na ang owner ng house ngayon.

May nagsabi kay Robin na hindi binanggit ng GMA News TV reporter ang kanyang pangalan at ang sinabi lang ay “isang dating aktor” kaya pinayuhan siyang mag-chill lang para na rin hindi ma-stress ang asawang si Mariel Rodriguez na buntis ngayon. (NITZ MIRALLES)
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas