Nginata ng National U Bulldogs ang University of the Philippines Maroons, 75-64, kahapon sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2016 Fil- Oil Flying V Premier Cup, sa San Juan Arena.

Nakopo ng Bulldogs ang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa Arellano University Chiefs sa maagang liderato tangan ang 5-1 karta.

Nakaabante ng anim na puntos sa halftime,34-28, umarya ang Bulldogs sa third canto matapos maungusan ang Maroons, 23-10, para itarak ang 57-38 bentahe patungo sa final period.

Nagposte ng tig-14 puntos sina Cedrik Labing-isa at JV Gallego para sa NU.

EJ Obiena, sinupalpal mga umano'y malisyosong istorya sa pagitan nila ni Carlos Yulo

Nanguna naman si Paul Desiderio para sa Maroons (2-4) sa naiskor na 28 puntos.

"Winning is not our focus when we join this tournament. Yung chemistry, getting to know each other yung ang priority," pahayag ni NU coach Eric Altamirano. (Marivic Awitan)