NAKAKATUWA si Thea Tolentino dahil pursigido siyang ipagpatuloy ang pag-aaral at makatapos ng college.

Nang makausap namin siya sa taping ng Once Again, excited na ibinalita ni Thea na mag-i-enroll na siya ng AB Psychology sa Trinity University of Asia.

“Excited akong mag-back-to-school dahil three years din akong nag-stop mag-aral. Curious ako sa mga mangyayari at inaayos na ng GMA Artist Center ang schedule ko para hindi magkaroon ng conflict sa taping ng Once Again. Sa August pa ang klase, maaayos ko pa ang schedule ko,” masayang sabi ni Thea.

Nakatikim din naman ng college si Thea, nag-enroll siya ng Multimedia Arts, hindi nga lang niya natapos ang first semester dahil naging busy na siya sa showbiz. Pero walang pinagsisihan si Thea dahil ang kapalit noon ay nakatulong siya sa family niya at nakilala siya bilang mahusay na batang kontrabida ng Kapuso Network.

Events

The Corrs, magko-concert sa ‘Pinas sa Feb. 2025!

“May mga nagagalit na nga sa akin dahil inaapi ko si Janine (Gutierrez). Hindi ko pa nga nasasampal si Janine, sabunot pa lang ang ginawa ko. Nag-uusap naman kami before the scene para alam namin ang eksena. Mas grabe ang kasamaan ko rito, watch out for Celeste (pangalan ng karakter niya),” sabi ni Thea.

Hindi makakalimutan ni Thea ang Once Again dahil dito nangyari ang first screen kiss niya at first time rin niyang magsuot ng swimsuit.

“Kailangan sa first scene ko may panggulat kaya pinagsuot nila ako ng one-piece swimsuit, nahiya ako dahil hindi ako sanay. Hindi ko kinaya ang kiss ni Aljur (Abrenica), ginulat niya ako at sobra akong kinabahan. One hour akong hindi maka-get over,” pagtatapos ni Thea.