Thea copy copy

MAS inspired magtrabaho ngayon si Thea Tolentino sa kanyang primetime drama series na Once Again dahil isa-isang natutupad ang kanyang dreams. Isa na ang makapagpatuloy ng studies niya.

“Gusto ko po talagang makatapos ng college, kahit po mahirapan ako,” sabi ni Thea. “Para sa akin po kasi iba pa rin ang may natapos ka, may fall back ka dahil hindi naman forever ang pag-aartista. Kaya kumuha po ako ng entrance examination at tuwang-tuwa ako nang matanggap ko na nakapasa ako sa entrance examination ko sa Trinity University of Asia. Gusto ko pong kumuha ng AB Psychology.” Biniro siya ng mga nag-iinterbyu na tamang-tama ang psychology sa character niya bilang si Celeste sa Once Again, masungit, selosa, mapangmata sa kapwa at madalas mapag-initan si Des (Janine Gutierrez), dahil pinaghihinalaan nikyang inaakit ang boyfriend niyang si Aldrin (Aljur Abrenica).  

Hindi pa ba siya naba-bash sa social media?

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

“Kung meron man po, paisa-isa lang siguro dahil alam naman nilang acting lang ang ginagawa ko,” natatawang sagot ni Thea. “Pero minsan, nag-aalaala rin ako na baka magalit sa akin ang mga fans nina Janine at Aljur. Sana, huwag silang magalit sa akin. Nasa script po naman ang ginagawa ko. Nagso-sorry rin ako kay Janine kung hindi sinasadyang nasasaktan ko siya.”

Loveless pa rin si Thea kaya naka-focus lang siya sa work niya.

“At mas lalo po akong magpo-focus ngayon sa work at sa studies ko dahil magsisimula na akong mag-aral this school year. Ayaw kong sayangin ang oras ko sa lovelife,” nangingiting sabi pa ni Thea. (NORA CALDERON)