GUIMBA, Nueva Ecija - Laking gulat ng isang 26-anyos na construction worker makaraang mahukay niya ang isang vintage hand grenade habang naghuhukay siya sa isang bakanteng lote sa Barangay Tampac sa bayang ito.

Ayon kay Dexter Espiritu y Sacro, trabahador sa lote ni Atty. Wilfredo Lapitan, 66, hindi niya sukat akalain na may matatagpuan siyang lumang granada habang palalim nang palalim ang kanyang hinuhukay.

Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Guimba Police, kabilang ang mga tauhan ng Explosives Ordnance Division para selyuhan at maiwasan ang pagsabog ng granada. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog