Mario at Lady Gaga copy

NATUPAD na ni Lady Gaga ang Golden Globe award at isang Oscar nomination na nasa bucket list niya ngayong 2016, at ngayon ay masasabi naman ng pop star na naranasan na niyang sumakay sa Indianapolis 500.

Nakiangkas ang singer ng Til It Happens to You sa racing icon na si Mario Andretti sa loob ng three laps sa isinagawang parade bago simulan ang karera.

“She decided to do it, and all of a sudden here we are,” pahayag ni Andretti sa USA Today nitong Linggo bago ipinagmaneho si Gaga. “She’s going to distract me quite a bit, actually. I hope I can just look ahead while I’m driving.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Mapapanood sa kuha ng video camera na nakakabit sa indy car na kumakaway si Gaga sa mga tagahanga na nanood sa karera, na noong 1969 ay nanalo si Andretti.

Ayon sa USA Today, si Gaga ang humalili kay Keith Urban, ang country star na orihinal na kapareha ni Andretti.  

(The Wrap)