Amal, George at Pope Francis copy

MATATAMIS na ngiti at pakikipagkamay ang namagitan kina George at Amal Clooney at Pope Francis nang bumisita sila sa Vatican City nitong Sabado.  

Ang mag-asawa, na dumalo sa pontiff’s Un Muro o Un Ponte Seminary sa Paul VI Hall, ay personal na nagtungo upang tanggapin ni George ang isang medalya na ipinagkaloob para sa kanyang paglilingkod sa Francis’ Scholas Occurrentes, isang International Organization ng Pontifical Right. 

Si George, 55, ay magsisilbing ambassador para sa isa sa mga art project ng foundation, ayon sa Reuters. Sina Salma Hayek at Richard Gere na dumalo rin sa event at magsisilbi rin bilang mga ambassador. Ang pagpupulong ay binubuo ng testimonials, music, videos at isang Q and A session, ayon sa Vatican Radio. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Amal, 38, ay elegante sa suot na black lace Atelier Versace dress sa Vatican City trip, na pinarisan ng turban hat at Jimmy Choo shoes. Napakalinis at elegante rin si George sa kanyang suit sa ibabaw ng white shirt.

Bago ang papal visit, sina George at Amal ay nag-date sa Rome, kumain sa mamahaling kainang Dal Bolognese sa Piazza del Popolo. (People.com)