SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang 36-anyos na driver/salesman ng Alemart Corporation makaraang tangayin nito ang pinagbentahan ng mga produkto ng kumpanya at abandonahin ang minanehong Isuzu truck sa barangay road sa Zone 16-A, Sitio Tanibong, Barangay Abar ng lungsod na ito.

Inireklamo ni Lord Jacob Aclan y Gamboa, 42, sales supervisor, sa pulisya ang pagtangay ng daily sales ng kumpanya na hindi ini-remit sa opisina.

Ayon kay Melvin Ancheta y Licay, helper ni Edwin Beley y Aeta, sales agent at driver, ng Bgy. Maliolio, Sta. Rosa, itinakas ng huli ang koleksiyon, inabandona ang truck (XTZ-634), at iniwan siya.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Beltejar, dakong 4:45 ng hapon nitong Mayo 26 nang tangkasin ng suspek ang lahat ng kinita para sa araw na ‘yun, umaabot sa P70,000, at hindi na nagpakita pa sa opisina. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog