Matapos ang matagumpay na pilot testing ng JobStart program ng Department of Labor and Employment (DoLE), inihayag ng Asian Development Bank (ADB) na magbibigay ito ng karagdagang grant sa gobyerno ng Pilipinas na aabot sa P1.3 milyon upang mapalawig ang implementasyon ng mga proyektong pangkabataan hanggang sa 2020.

Sinabi ni Richard Bolt, ADB Philippines country office director, na target ng karagdagang pondo ang pagdami ng benepisyaryo ng JobStart program.

“We will provide DoLE with new assistance from 2015 to 2020 to further expand JobStart to 64 provinces by 2020 targeting 64,000 out-of-school youth into the program,” pahayag ni Bolt.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Opisyal na inilunsad noong 2014 sa inisyal na pondo na $5.5 milyon ng ADB at gobyerno ng Canada, ang JobStart ay kasalukuyang isa sa mga flagship program ng DoLE upang masolusyunan ang kawalan ng trabaho sa hanay ng kabataan.

(Samuel Medenilla)