SA latest count, may 106,009 likes at 8,164 comments na ang picture nina James Reid at Nadine Lustre na ipinost ni James sa Instagram. Naghahalikan sila ng lips-to-lips sa nasabing photo na ang caption ni James, “The best birthday party I’ve ever had and I’ve had some WILD ones. #thankslove.”

Kahit nilagyan ni James ng X ang picture, kita pa rin na lips-to-lips sila ng girlfriend. Mixed reactions ang fans, may kinilig, may natuwa, at may nanghingi ng more kissing pictures ng magkasintahan.

Hindi rin maiwasang may komontra sa sobrang PDA raw nina James at Nadine dahil ipinost pa raw sa social media. Pero hindi na sila sinagot ni James na kilalang pumapatol kung minsan sa bashers.

Hindi na bago kina James at Nadine ang ganitong picture dahil ilang beses na rin silang nakunan na nagki-kiss o nagyayakapan. In fairness, hindi sila nagagalit sa kumukuha ng picture o nagbi-video sa kanila. Ang ginagawa lang ng dalawa ay isinasara ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila kapag may paparazzi.
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter