Brad at Angelina copy

ISA sina Brad Pitt at Angelina Jolie, tinatawag ding Brangelina, sa mga hinahangaang mag-asawa sa buong mundo. Sumikat sila sa Hollywood nang magkahiwalay at maging nang magkasama na sila. Matatandaang napakagaling nila sa Mr. & Mrs. Smith.

“For a while, the excitement of getting married masked their troubles,” pahayag ng Brangelina insider sa OK!

magazine, “but lately, they’ve been having explosive fights. Neither of them is sure that they can or should, hang on anymore.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sumuko na ba sila sa pakikisama sa isa’t isa?

Naiulat din na pagod na si Brad sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Tila, si Angelina,“barely eats, she guzzles wine every night and she smokes constantly.”

Ito ang tinitingnang sintomas ng napakalaking problema. Naiulat din na malaki ang nabawas sa timbang ng actress dahil sa paninigarilyo at alak, at sa kasalukuyan, ang kanyang timbang ay 79 lbs!

“Brad’s just exhausted from spending so much energy trying to get her to take better care of herself,” ayon sa insider. “It’s been hard to watch the woman he loves waste away.”

“Brad was initially attracted to her dark side,” pahayag sa HollywoodLife ng source na malapit sa mag-asawa, “but when (Angelina) goes to this dark place she definitely pushes Brad away. It can be really hard on him. He feels he has been more than patient with Angie, but his confidence in their happiness is wearing thin.”

Kapag natuloy ang diborsiyo, malaking pera at ari-arian ang paghahatian ang dalawa, kabilang na ang kanilang $60 million French Chateau, ang kanilang $40 million Italian villa at ang mga bahay nila sa Los Angeles at New Orleans.

Ipagdasal natin na espekulasyon lamang ang mga ito at walang katotohanan. Marami ang malulungkot kapag tuluyang magkahiwalay ang mag-asawa. (The Dishh/Yahoo Celebrity)