DIREK TONET, IAN, JODI AT RICHARD copy

ACHY Breaky Heart pala ang title ng Star Cinema movie nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Ian Veneracion. Si Antoinette Jadaone ang director ng pelikula na marami na ang excited mapanood para malaman kung kanino mapupunta sa ending si Jodi.

Hindi na mga bagets ang tatlong bida, kaya marami ang curious kung paano tatakbo ang story ng Achy Breaky Heart. May fans din na curious kung kaninong love team ang mas malakas ang suporta sa movie.

Naunang sumikat ang tambalan nina Jodi at Richard sa Be Careful With My Heart. Nakilala naman ang tambalan nina Jodi at Ian sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Editor’s note: Marami ang nag-akala na pang-Metro Manila Film Festival sa December ang Achy Breaky Heart, pero nang i-check ko ito sa sources sa Star Cinema, next month na pala ang pala ang playdate nito! Mas bongga!

Nasa winning streak pa rin ang Star Cinema. Ilang pelikula na nila ang sunud-sunod ang pagtabo sa takilya. Ngayon naman, patuloy na pinipilahan ang Love Me Tomorrow na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Coleen Garcia, at Dawn Zulueta. Kumabig ito ng P13M nang mag-open sa 200 theaters nitong nakaraang Miyerkules. Kapag ganito ang figure sa opening day, tiyak ang word of mouth effect, kaya asahan nang magtatagal ito sa mga sinehan. (NITZ MIRALLES)