Pinulbos ng Philippine basketball team Gilas Cadet ang Indonesia, 83-52, nitong Miyerkules para sa ikatlong sunod na panalo sa 2016 Seaba Stankovic Cup sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Kumubra ng tig-12 puntos sina Roger Pogoy at Mike Tolomia para sa Gilas Cadets, nakasiguro ng isa sa dalawang spot sa 2016 Fiba Asia Challenge na gaganapin sa Iran sa Setyembre.

Lugaygay ang Indonesia sa 0-3 marka.

Nag-ambag si Kevin Ferrer ng 10 puntos, habang kumasa si Troy Rosario ng siyam na puntos at siyam na rebound.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Makakaharap ng Gilas ang Thailand Huwebes ng gabi sa larong itinuturing na preview para sa kampeonato.

Iskor:

Philippines (83)—Pogoy 12, Tolomia 12, Ferrer 10, Jalalon 9, Rosario 9, Belo 8, Holmqvist 7, Pessumal 6, Vosotros 4, Jose 4, Escoto 2,Tibayan 0.

Indonesia (52)—Surliyadin 12, Handoyo 7, Wardana 7, Tuasela 6, Sugianto 5, Heryadi 5, Muhamad 5, Maryono 3, Syah 2, Da Silva 0, Purnomo 0.

Quarters:

25-16, 41-26, 60-43, 83-52.