RIO DE JANEIRO (AP) – Tinutugis ng Brazilian police ang mahigit 30 kalalakihan na pinaghihinalaang sangkot sa gang rape ng isang 16-anyos nitong weekend. Ipinaskil ng mga salarin ang mga litrato at video ng panggagahasa sa walang malay na teenager sa Twitter.

Sinabi ng pulisya nitong Huwebes na ang babae ay ginahasa ng armadong kalalakihan noong Sabado habang bumibisita sa isang maralitang pamayanan sa kanluran ng Rio de Janeiro. Sinabi niya sa mga awtoridad na nagkamalay siya kinaumagahan ng Linggo.

Unang nakita ang video ng panggahasa sa Brazilian social media noong Martes.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo