NUEVA ECIJA - Dalawang most wanted person, kabilang ang isang leader ng kilabot na drug trafficking group, ang nasawi sa engkuwentro ng San Leonardo Police at Regional Public Safety Battalion 3 makaraang makipagbarilan sa Barangay Rizal, San Leonardo.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Rudy Lacadin ang mga nasawi na sina Oliver Bartolome, number one drug personality; at Warlito Pangilinan, na nakumpiskahan din ng isang kargadong .45 caliber pistol, isang .38 caliber revolver, 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.

Ayon sa PRO-3, nangyari ang sagupaan dakong 7:30 ng umaga sa Bgy. Rizal, San Leonardo.

Nauna rito, nakasagupa rin ng Jaen Police ang mga suspek sa Jaen-San Leonardo Road hanggang sa naitimbre sa San Leonardo Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog