Michael copy

LAKING tuwa ni Michael Pangilinan nang malaman niyang makakatrabaho niya si Nora Aunor sa launching movie niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

Maikli at light ang eksena ng dalawa ayon kay Direk Joven Tan.

“Lahat ng papuri ng aking manager kay Ate Guy ay pawang totoo. Todo alalay at makainang paggabay ang ibinigay niya sa akin. Dapat ay maranasan mo kung gaano siya kagaling sa sandaling magkasama na kayo sa eksen. One proud moment ito para sa akin na hindi ko malilimutan,” wika ni Michael.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagugulumihanang ina ni Edgar ang role ni Nora sa pelikulang ibinatay sahit song na Pare, Mahal Mo Raw Ako na matatandaang naging finalist sa Himig Handog P-Pop Love Song noong 2014.

Tampok din si Edgar Allan Guzman bilang best friend ni Michael na may kakaibang damdaming nararamdaman para sa kaibigan. Ang direktor ay walang iba kundi si Joven Tan na siya ring kumatha ng controversial na kanta. (REMY UMEREZ)